Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng single-use plastics gaya ng PET bottles, plastic cups, straws, at sachets.
Bilang bahagi ng adbokasiya ng Lungsod Quezon para sa kalinisan at kalikasan, may mga nakahandang water refilling stations sa may Academic Oval—kaya huwag kalimutang magdala ng sariling tumbler at iba pang reusable na gamit.
Mayroon ding handwashing stations mula sa Manila Water Foundation para masigurong malinis at protektado ang lahat.
Bukod dito, nakaantabay din ang medical post at ambulansya para tiyaking ligtas ang lahat ng nakiisa sa selebrasyon ngayong araw.




