“Sumainyo ang pag-ibig,” at sumainyo rin!
Ipinahayag nina Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman, Akbayan Partylist Representatives-elect Atty. Chel Diokno at Percy Cendaña, Kabataan Partylist Representative-elect Atty. Renee Co, at Sarah Elago ng Gabriela Partylist ang kanilang suporta sa pagtataguyod ng equality at inclusivity.
Kabilang sa kanilang isinusulong ang pagpasa sa SOGIE Equality Bill, at pagtitiyak na wala nang Pilipinong madi-discriminate. Hinimok din nila ang sama-samang pagtindig para sa lipunang malaya at pantay sa lahat.
QCitizens, tuloy-tuloy pa rin ang pagdiriwang at protesta para sa pagkakapantay-pantay dito sa UP Diliman.
Kaya, tara na at makipagpuksaan sa Lov3Laban sa Diliman!




