Nagpaabot din ng kanilang suporta sina Ambassador of Spain to the Philippines Miguel Utray Delgado at Ambassador of Colombia to the Philippines Edgar Rodrigo Rojas Garavito kasama ang ibang miyembro ng Equal Rights Coalition sa rainbow crowd ng Lov3Laban sa Diliman Pride Festival 2025.
Sa kanilang mensahe, ipinahayag nila na nagsisilbing tribute sa mga nakibaka para sa pagkakapantay-pantay ng queer community ang ginaganap na pride festival.
Binigyang-diin nila na ang pagsulong sa human rights ng komunidad ay hindi lang trabaho ng isa, kundi trabaho ng lahat, at nanawagan sila para sa mas pinaigting na pagtutulungan.
Nagbigay din ng mensahe sa attendees si United Nations Resident Coordinator in the Philippines Arnaud Peral ng France.




