#WALANGPASOK | Dahil sa inaasahang masamang lagay ng panahon, inirerekomenda ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) na suspendido ang face-to-face classes para sa PANGHAPON KLASE sa mga PAMPUBLIKONG PAARALAN mula Child Development Centers, Kindergarten, Grades 1 – 12, at Alternative Learning System (ALS) sa Quezon City ngayong Huwebes, July 3, 2025.
Ang suspensyon ng klase sa PRIVATE SCHOOLS at HIGHER EDUCATION INSTITUTIONS ay nakabatay sa pasya ng pamunuan ng eskwelahan. Gayunpaman, para sa kaligtasan ng mga guro at mag-aaral, hinihikayat ang pagsunod sa national o localized suspension.
Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at manatili sa inyong tahanan kung kinakailangan para sa inyong kaligtasan.
