Agad kumilos ang Department of Sanitation and Cleanup Works of Quezon City (DSQC) para mapanatili ang kalinisan sa UP Diliman matapos ang Lov3laban Pride Festival kagabi.
Nanguna rin ang DSQC sa paglilinis ng academic oval at paglalagay ng mga basurahan sa paligid nito bago pa nag-umpisa ang mga aktibidad sa UP Diliman—kasabay ng pagpapaalala sa attendees sa wastong pagtatapon ng kanilang mga basura.




