RISE & SHINE, QC!
Active and healthy ang Sunday ng QCitizens na nakiisa sa Car-free, Carefree Tomas Morato na pinangasiwaan ng Office of the City Administrator (OCA) sa pangunguna ni City Administrator Mike Alimurung.
Marami ang mga aktibidad sa Tomas Morato tuwing Sunday tulad ng zumba, biking, tai chi, walking, at iba pa.
Mayroon ding booth ang QCID Team na naghatid serbisyo sa mga nais kumuha ng QCitizen IDs.




