Nakamit ng Quezon City General Hospital and Medical Center (QCGHMC) ang unqualified opinion mula sa Commission on Audit!
Ito ang unang pagkakataon na ibinigay ng COA ang pagkilala sa QCGHMC, na sumasalamin sa maayos na financial management at malinis na pamamahala sa ospital.
Ipinamalas ng QCGHMC ang dekalidad na serbisyo, good practices, at good governance sa lahat ng pasilidad ng ospital nang nakaayon sa auditing standards ng pamahalaan.
Mismong si QCGHMC Director Dr. Josephine Sabando ang tumanggap ng pagkilala mula sa COA.
Bago makuha ang unqualified opinion, sumailalim muna ang QCGHMC sa masusing assessment ng COA, sa pangunguna ni Director Maria Carmina Paulita Pagayawan ng COA. Dumalo rin sa ginanap na exit conference si City Administrator Mike Alimurung.


