Dasurv ng LGBTQIA+ community ng love, equality, at inclusivity!
Libo-libong miyembro at ally ng LGBTQIA+ amg nakiisa at tumindig para sa pagkakapantay-pantay sa Lov3Laban sa Diliman Pride PH Festival.
Ipinahayag din ng iba-ibang grupo at ahensya ang kanilang suporta sa adhikain ng community, lalo na sa pagsusulong ng SOGIE Equality Bill at Divorce Bill.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte na kasangga ng komunidad ang Quezon City Government sa patuloy na paglaban para makamit ang isang bukas, pantay, at inklusibong lipunan na tanggap ang lahat, anuman ang kanyang pagkakakilanlan.
Mas pinasaya at pinakulay naman ng mga performances mula sa mga drag queen, bands, at singers ang selebrasyon ng lungsod sa Pride Month.
Maraming salamat, QCitizens sa pakikiisa para maging matagumpay ang ating pagdiriwang at protesta tungo sa pagkakapantay-pantay!




