Ngayong tag-ulan, patuloy ang Quezon City Government sa pagsasagawa ng mga hakbang upang mapanatili ang kaligtasan at kapakanan ng QCitizens.
Nagsagawa ng maintenance activities kada distrito tulad ng de-clogging, clearing, cleaning, at beautification works na layuning maiwasan ang pagbaha at mapanatiling maayos at ligtas ang mga lansangan sa lungsod quezon.
Narito ang mga isinagawang aktibidad :
District 1
– De-clogging operations sa Banawe cor. NS Amoranto
– De-clogging at clearing works sa Calamba cor. Araneta Avenue, Brgy. Sto. Domingo at sa Don Jose cor NS Amoranto
District 2
– Clearing operations sa kahabaan ng Commonwealth Avenue hanggang Litex
– De-clogging operations sa Doña Carmen, Brgy. Commonwealth at sa Southville, Brgy. Holy Spirit
District 3
– De-clogging operations sa Obrero St., Brgy. Bagumbayan
– Clearing operations sa Brgy. Matandang Balara
– Rehabilitation works sa Masagana Covered Court
District 4
– Clearing operations sa Elliptical Road, Brgy, Central at sa Makabayan, Brgy. Obrero, sa kabahaan ng Kaliraya, Brgy. Tatalon at sa E-Rodriguez Ave., Brgy. Damayang Lagi
– De-clogging operations sa Villa Espana 1, Brgy. Tatalon at sa 4th Street Brgy. Mariana
– Concreting works sa 12 St., Brgy. Mariana
– Beautification sa Tomas Morato
District 5
– Installation ng Pedestrian Lane Markings sa Zabarte Road, Brgy. Kaligayahan
– Installation ng Temporary Steel Grating bilang manhole cover sa Cheryl Lane St., Diamond Village Subd., Brgy. Kaligayahan
– Clearing ng Line Canal sa Austria St., Brgy. Novaliches Proper
– De-clogging operations sa Dumalay St., Brgy. Sta. Monica
– Clearing works sa Riyal St., Brgy. North Fairview Subd., Phase 8
– Concreting works sa Teresa Heights Subd. Pasong Putik Proper
District 6
– Pagpapatuloy ng Installation ng drainage system sa Commonwealth Avenue cor Don Antonio, Brgy. Batasan Hills
– De-clogging operations sa Cypress Village Outfall, Brgy. Apolonio Samson
Bukod pa sa mga maintenance activities na ito, marami pang hakbang ang isinasagawa ng Quezon City Government upang mas mapalakas ang kahandaan ng lungsod sa panahon ng tag-ulan.
Paalala sa mga QCitizen na ugaliing magbukod at magtapon ng basura sa tamang basurahan. Huwag ding magtapon ng basura sa mga kanal, estero, at ilog dahil nagiging sanhi ito ng pagbabara sa mga daluyan ng tubig na nagdudulot naman ng matinding pagbaha.




