Patuloy ang pagsasaayos sa Litex Commonwealth area upang lumuwag ang daloy ng trapiko sa nasabing lugar.
Inalis na ang mga vendor sa kalsada, at naglagay na ng mga tamang tawiran. Inisyuhan naman ng mga violation ticket ang mga lumabag sa batas trapiko gaya ng illegal parking.
Inaspalto rin ang Soliven Road para mas maayos itong madaanan ng mga sasakyan. Habang sinuyod naman ang Payatas Road para alisin ang mga sasakyang iligal na nakaparada sa daan at iba pang mga sagabal sa kalsada.
Paghahanda ito sa pagpapatupad ng bagong traffic scheme sa lugar simula bukas, July 10, 2025. Tingnan sa post na ito: https://www.facebook.com/QCGov/posts/1049314644049841
Sa pangunguna ng District 2 Action Office at Office of the City Mayor, katuwang sa proyekto ang Barangay Commonwealth sa pangunguna ni P/B Manning Co, Traffic & Transport Management Department (TTMD), Market Development and Administration Department (MDAD), Department of Public Order & Safety (DPOS), Task Force Disiplina, at QC Department of Engineering.




