Habang patuloy ang pag-ulan, tuloy-tuloy rin ang pagsasagawa ng maintenance activities ng Quezon City Government upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan sa lungsod.
Kabilang sa mga gawaing isinagawa ang de-clogging at clearing operations bilang tugon sa mga posibleng epekto ng malakas na pag-ulan gaya ng pagbaha at pagbara sa mga daluyan ng tubig.
Narito ang mga isinagawang aktibidad kahapon:
District 1
– De-clogging and clearing operations sa Tirad Pass cor Don Pepe, Brgy. Sto. Domingo
– De-clogging operations sa Matutum St., Brgy. Manresa at sa Brgy. St. Peter
District 2
– Installation ng steel railings sa Litex Market, Brgy. Commonwealth
– Clearing works sa Litex, Brgy. Commonwealth
– Asphalting works sa Hon. B. Soliven St., Brgy. Commonwealth
District 3
– Asphalting works sa 13th St., Brgy. Socorro
– Improvement ng drainage systems sa Brgy. Milagrosa
– Rehabilitation works sa Masagana Covered Court
District 4
– De-clogging at clearing works sa Elliptical Road, Brgy. Central
– Improvement ng drainage system sa Elliptical Road, Brgy. Central
– Clearing operations sa Makabayan, Brgy. Obrero
– De-clogging operations sa Unang Hakbang, Luzon St., Primero De Mayo St., at Batanes St. sa Brgy. San Isidro Galas, at sa N Ramirez St. corner Cordillera St., Brgy. Doña Aurora
– Concreting works sa 12th Street, Brgy. Damayang Lagi
District 5
– De-clogging and clearing operation sa Mahogany St. at Acacia St., Brgy. Fairview
– De-clogging operations sa Dumalay St., Brgy. Sta. Monica at Susana Road, Brgy. Novaliches Proper
– Pagpapatuloy ng concreting works at improvement ng drainage systems sa Teresa Heights, Brgy. Pasong Putik Proper
District 6
– De-clogging operations sa Gonzales St., Brgy. Balong Bato at sa Jolo St., Brgy. Baesa
PAALALA: Ugaliing magbukod at magtapon ng basura sa tamang basurahan. Huwag ding magtapon ng basura sa mga kanal, estero, at ilog dahil nagiging sanhi ito ng pagbabara sa mga daluyan ng tubig na nagdudulot naman ng matinding pagbaha.
Hinihikayat din ang mga QCitizen na patuloy na makipag-ugnayan sa mga kinauukulang departamento ng pamahalaang lungsod para sa anumang concern o ulat kaugnay ng pagbaha.




