Matagumpay na isinagawa ang Breakout Sessions sa ikalawang araw ng Talastasan sa QC.
Sumailalim sa photo and video production workshop ang mga information officer ng pamahalaang lungsod.
Tinalakay ng PAISD Production team ang basics of videography, habang ibinahagi ng batikang photojournalist na si Jimmy Domingo ang kahalagahan ng Photojournalism.
Sinundan ito ng Light It Right: Fundamentals of Lighting for Photo and Video na pinangunahan ni Raul de Asis, Lighting Director ng ABS-CBN. Ipinaliwanag naman ni Rommel Pedrealba, Technical Director ng ABS-CBN, ang Technical Controls in Production.
Ang session ay nagtapos sa Color Your Story: Basics of Color Grading and Post-Editing kasama si Pete Manabat ng Amber Studios.
Ang Talastasan sa QC ay isang media and communications training seminar na inorganisa ng Human Resource Management Department (HRMD) at Public Affairs and Information Services Department (PAISD).
Layunin nitong hubugin ang mga information officer ng QC sa larangan ng makabagong komunikasyon.




