Dumalo ang information at social media officers ng iba-ibang departamento ng QC Government sa ikalawang araw ng Talastasan sa QC: Breakout Session on Social Media.
Tinalakay sa mga kalahok ang mga dapat nilang malaman at kung paano maging responsable sa paggamit ng digital tools kabilang ang Canva, ChatGPT, at TikTok, pamamahala ng official social media accounts, at pagbuo ng graphic designs at artcards.
Kabilang sa mga speaker sina Mikee Baskiñas ng Quezon City Human Resource and Management Department – Strategic Human Resource Unit (HRMD-SHRU), award-winning content creator Mr. Rod Magaru, MMDA Information Officer Meann Tanbio, Public Affairs and Information Services Department (PAISD) Digital Media Division Chief Richie Velarde, at PAISD Graphic Artist Nads Samson.
Ang Talastasan sa QC ay isang media and communications training seminar para sa mga public servant ng lokal na pamahalaan, na inorganisa ng PAISD at HRMD.




