Nakiisa ang Quezon City Health Department (QCHD) sa 2025 Healthcare Forum na inorganisa ng European Chamber of Commerce of the Philippines.
Ibinahagi ni Dr. Marlon Molano ang mga programa ng lungsod sa pagpapalakas ng healthcare system ng QC, at mga serbisyong natatanggap ng mga QCitizen.
Sa temang “Advancing Together: Enhancing Healthcare Access and Innovation,” layon ng Healthcare forum na tipunin ang mga kinatawan ng pamahalaan, pribadong sektor, at civil society organizations para mas mapaayos ang kabuuang healthcare system ng bansa at masigurong accessible ito para sa mga Pilipino.




