Sumailalim sa two-day training ang mga magsisilbing facilitator sa isasagawang “Children’s Disaster Resilience Fair – Batang QC, Laging Ready” sa susunod na linggo.
Sa training, tinuruan ang mga designated facilitator ng mga paraan kung paano mae-engage at mas epektibong maibabahagi sa mga bata ang mga impormasyon tungkol sa disaster resilience.
Naging tagapagsalita sa training ang mga kinatawan ng Iloilo City Disaster Risk Reduction and Management Office.
Kabilang naman sa mga sumailalim sa pagsasanay ang mga kawani ng QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), Schools Division Office, at Education Affairs Unit.




