May calorie label na ang mga pagkain sa QC Fresh Market Bazaar!
Makikita na ang calorie count at nutrient content ng ilang tinapay, inumin, at rice meals na palaging itinitinda sa QC Fresh Market, bilang bahagi ng nutrition month celebration ng lungsod.
Umalalay sa paglalagay ng calorie label sa menu ng maliliit na negosyante ang Quezon City Health Department, sa pakikipagtulungan sa Small Business Cooperative Development and Promotions Office (SBCDPO).
Simula December 2025, ipapatupad na ng lokal na pamahalaan ang PHASE ONE ng Calorie-Labeling Policy (City Ordinance SP-3254, S-2024). Kasama sa sakop ng phase one ang mga restaurant o kainan sa QC na may lima o higit pang branches sa buong bansa.
Bukas ang QC Fresh Market mula July 14 to July 18, 8AM hanggang 5PM sa QC Hall covered pathwalk.





+11