Aabot sa 557 QCitizens ang nabigyan ng karagdagang puhunan, sa tulong ng Small Income Generating Assistance (SIGA) program ng lokal na pamahalaan.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Coun. Aly Medalla ang kahalagahan ng sipag at pagpupursige para masiguro ang kanilang pag-asenso.
Kaagapay ng mga maliliit na negosyante ang pamahalaang lungsod hanggang sa umunlad ang kanilang kabuhayan.




