Ngayong Hulyo ay ipinagdiriwang natin ang Nutrition Month na may temang “Food at Nutrition Security, Maging Priority! Sapat na Pagkain, Karapatan Natin”.
Pero QCitizens, ang ating kalusugan ay dapat araw-araw inaalagaan!
Kaya naman, handog ng Quezon City Health Department katuwang ang Small Business and Cooperatives Development Promotions Office ang pagkakaroon ng Calorie Labeling Policy sa ating Fresh Market Bazaar!
Maaari mo nang makita ang ilang nutrients gaya ng carbohydrates, protein, fat, saturated fat, trans fat, sodium and sugar sa mga binibili nating pagkain!
Sa Disyembre 2025, opisyal na ring sisimulan ang Calorie Labeling sa menus ng food businesses na may lima o higit pang branches.
Kaya ano pa ang hinihintay nyo, QCitizens? Buy wisely and eat healthy para sa isang mas malusog na QC!
Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito: