Nagbigay ang Quezon City Government ng libreng wheelchairs at prosthesis sa mga nangangailangang QCitizen.
Limang person with disabilities ang nakatanggap ng libreng customized wheelchair, habang tatlo naman ang nabigyan ng prosthesis.
Kinumusta nina Mayor Joy Belmonte at Persons with Disability Affairs Office (PDAO) Head Debbie Dacanay ang mga benepisyaryo. Handa ang lungsod na patuloy silang suportahan.
Ang pamamahagi ng assistive devices ay bahagi ng paggunita ng lungsod sa National Disability Rights Week.




