Handang makipagtulungan ang Quezon City Government sa Vinfast para mas maisulong ang green transportation sa lungsod.
Sa pulong nitong Lunes, binanggit ni Green GSM Philippines president and managing director Dao Quy Phi kay Mayor Joy Belmonte na makikipag-partner sila sa QC para magtayo ng karagdagang imprastraktura. Magsisilbi itong depot at charging station ng mga green taxi.
Kasama ni Mayor Joy sa pulong si Local Economic Development and Investment Promotions Office (LEDIPO) Head Jay Gatmaitan at iba pang opisyal ng Green GSM at Vinfast.
