Bilang bahagi ng paghahanda sa mga sakuna at emergency, inilabas ng lokal na pamahalaan ang bagong RESQC GO BAG — mas matibay, eco-friendly, at kumpleto sa mga gamit na maaaring gamitin sa oras ng pangangailangan.
Unang makatatanggap nito ang mga QCitizen mula sa mga barangay na kabilang sa hazard-prone areas.
Pinaaalalahanan ang lahat ng QCitizen na maging handa, alerto, at responsable sa lahat ng oras.
Para sa anumang emergency at agarang aksyon, tumawag sa QC Helpline 122.




