Malugod na tinanggap ng lokal na pamahalaan si Slovenian Ambassador to the Philippines Her Excellency Smiljana Knez sa kanyang pagbisita sa Quezon City Hall.
Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang iba-ibang inisyatibo ng lungsod, partikular sa pagtugon sa climate change, pagsusulong ng equality at inclusivity, at digitalization ng mga proseso para sa mga negosyo.




