Nag-issue ng cease and desist order ang Business Permits and Licensing Department (BPLD) sa Karmanila 69 Trading sa Barangay Bahay Toro dahil sa paglabag sa Quezon City Revenue Code of 1993 (City Ordinance SP-91, S-93).
Matapos ang joint inspection ng BPLD at Department of Sanitation and Cleanup Works of Quezon City (DSQC), nalamang nag-o-operate ang auto parts shop gamit ang expired Mayor’s permit.
May naging paglabag din ito sa Quezon City Environment Code (City Ordinance SP-2350, S-2014) tulad ng pag-dispose ng langis sa drainage at magulong pagsasalansan ng gamit na maaaring maging sanhi ng health hazard.
Binigyan ng limang (5) araw ang establisimyento para mag-comply sa requirements ng lungsod.




