Pormal nang pinasinayaan ang District 2 Gymnasium!
Nanguna sa ribbon-cutting ceremony sina Mayor Joy Belmonte, Rep. Ralph Tulfo, Coun. Bong Liban, at District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro sa bago at mas pinagandang gymnasium na matatagpuan sa Barangay Commonwealth.
Kumpleto ang sports facilities ng gymnasium at maaaring nang magamit ng QCitizens ng ikalawang distrito.
Nagasagawa rin ng exhibition basketball game kasama si Coun. Dave Valmocina, ilang barangay officials at staff ng distrito.




