Agad na inaksyunan ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon City, sa pangunguna ng Department of Engineering, ang paglilinis ng mga nakakalat at nakaharang na construction debris mula sa proyekto ng MRT-7 sa harap ng Don Antonio Station sa Commonwealth Avenue.
Ang mga debris na ito ay isa sa mga pangunahing sanhi ng mabilis na pagbaha sa lugar. Kaya’t isinagawa agad ang clearing operations upang mapanatili ang maayos na daloy ng tubig sa mga drainage inlets at maiwasan ang pagbara.




