MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA
Pansamantalang isinara ang ilang bahagi ng C5 Katipunan malapit sa Ateneo de Manila University (ADMU) dahil sa tumumbang poste at billboard kaninang umaga.
Isang lane lang ang madadaanan sa Ateneo de Manila University, Katipunan Avenue papuntang Commonwealth Avenue.
Nagpapatupad na ng traffic rerouting sa lugar. Maaaring makadaan ang mga light vehicle sa ADMU.
Ang mga manggagaling sa C5 Katipunan ay maaaring dumaan sa Aurora Blvd. para makapunta sa kanilang destinasyon.
Nagtutulungan ang Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), QC Police District, QC Disaster Risk Reduction and Management Office, at MMDA upang maisaayos ang trapiko at matiyak ang kaligtasan ng mga dumadaan sa kahabaan ng Katipunan.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Maraming salamat po.
