ADVISORY
Kasunod ng pagtaas ng tubig sa La Mesa Dam sa critical level, nagsimula na ang preemptive evacuation sa mga barangay malapit sa dam at sa mga posibleng daanan ng tubig ng Tullahan River.
Nagpadala na ng mga emergency rescue teams ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), Department of Public Order and Safety (DPOS), Traffic and Transport Management Department (TTMD), Task Force Disiplina, Quezon City Police District (QCPD), District Action Offices, Philippine Red Cross at mga barangay sa mga apektadong lugar upang tumulong sa paglilikas at pagtiyak ng kaligtasan ng mga residente.
Hinihikayat ang mga residente ng Barangay Commonwealth, Nagkaisang Nayon, Sta. Monica, Novaliches Proper, Gulod, Capri, San Bartolome, Sta. Lucia, Bagbag, North Fairview, at Fairview na makipagtulungan at agad na lumikas para sa kanilang kaligtasan.
