Kasalukuyang isinasaayos ng Meralco ang natumbang poste sa north bound lane ng Katipunan Avenue ngayong hapon.
Apat na sasakyan ang naapektuhan ng pagbagsak ng poste at billboard kaninang umaga sa C5 Katipunan-Ateneo.
Tumugon din ang mga kawani ng Metro Manila Development Authority, Traffic and Transport Management Department, Department of Public Order and Safety, QC Police District, at QC Disaster Risk Reduction and Management Office upang gabayan ang daloy ng trapiko at matiyak ang kaligtasan ng mga motorista.




