Mainit na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang mga kawani ng Bukidnon Provincial Government sa kanilang pagbisita sa Quezon City Hall kahapon, para sa benchmarking activity sa mga programang pabahay ng lungsod.
Ipinaliwanag ng Alkalde ang mga programa ng Housing Community Development And Resettlement Department tulad ng socialized housing, rental housing programs, at ang QCitizens Urban Deca Homes.
Ibinahagi rin ni Mayor Joy ang mga good governance initiatives ng QC Gov’t tulad ng digitalization ng mga proseso ng City Hall na layong alisin ang anumang uri ng kurapsyon at red tape.




