Binisita ni Mayor Joy Belmonte ang Bagong Silangan Evacuation Center upang kumustahin ang 84 na pamilya o 279 na indibidwal na nagsagawa ng pre-emptive evacuation dahil sa malakas na ulan na dulot ng habagat at bagyong #CrisingPH.
Nagpapatupad na rin ng bagong sistema sa evacuation center ang Barangay Bagong Silangan at ang District 2 Action Office.
Matapos silang ma-profile, may nakahanda nang Evacuation Card ang bawat pamilya na gagamitin para sa check-in process sa evacuation center.
Sa tulong nito, nagkakaroon ng maayos na database at listahan ng mga pamilyang inililikas tuwing may bagyo. Mas naiaayon rin ang mga tulong na kanilang natatanggap, lalo na kung may mga bata at buntis na kasama.
Naging mas maayos, mabilis, at organisado rin ang pagpasok ng mga residente sa evacuation center. Sa pamamagitan ng pag-scan sa QR code sa kanilang Evacuation Card, nare-record na rin ang mga natatanggap nilang tulong gaya ng pagkain, gamot, at relief goods.
Kasama ni Mayor Joy sa pagbisita sina QC Traffic and Transport Management Department (TTMD) Head Dexter Cardenas, Barangay Bagong Silangan Chairperson Willy Cara, at iba pang mga opisyal ng barangay.




