Nailikas ang 40 na pamilya o 156 indibidwal mula sa Brgy. Roxas at kasalukuyan silang nasa Roxas Gymnasium na nagsisilbing evacuation site ng barangay.
Namahagi na ang lokal na pamahalaan ng pagkain, tubig, at iba pang pangunahing pangangailangan ng evacuees.
Patuloy na nakabantay ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), District Action Offices, at mga opisyal ng barangay upang masiguro ang kaligtasan ng QCitizens sa bagyong #CrisingPH.
Para sa emergencies, tumawag sa QC Helpline 122.




