Agad na nailikas ang nasa 28 na pamilya o 65 na indibidwal na nakatira sa mga mababang lugar sa Barangay Sta. Lucia.
Isinagawa ang preemptive evacuation sa mga low lying areas para matiyak ang kaligtasan ng mga residente dahil sa malakas na pag-ulan sa lungsod.
Dinala ang mga inilikas sa Barangay Sta. Lucia covered court na nagsisilbing evacuation site ng barangay.
Para sa emergency, tumawag sa QC HELPLINE 122.




