Nailikas ang 43 pamilya o 158 indibidwal sa Brgy. Tatalon at kasalukuyang nasa Diosdado P. Macapagal Elementary School na nagsisilbing evacuation site ng barangay.
Patuloy na nakabantay ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), District Action Offices, at mga opisyal ng barangay upang masiguro ang kaligtasan ng QCitizens.
Para sa emergencies, tumawag sa QC Helpline 122.


