Nagkaroon ng briefing ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office bago isinagawa ang preemptive evacuation sa mga mababang lugar sa lungsod.
Nais na matiyak ng pamahalaang lungsod ang kaligtasan ng mga residente dahil sa
pagtaas ng tubig sa La Mesa Dam sa critical level.
Nagsimula ang preemptive evacuation sa mga barangay malapit sa dam at sa mga posibleng daanan ng tubig ng Tullahan River.
Kasama ng QCDRRMO sa paglikas sa mga residente ang Department of Public Order and Safety (DPOS), Traffic and Transport Management Department (TTMD), Task Force Disiplina, Quezon City Police District (QCPD), District Action Offices, Philippine Red Cross at mga tauhan ng barangay.



