Kasalukuyang nasa Trinity University of Asia (TUA) ang 30 pamilya o 83 indibidwal at nasa Scalabrini Theology ang 4 na pamilya o 11 indibidwal na nailikas sa Brgy. Damayang Lagi.
Patuloy na nakabantay ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), District Action Offices, at mga opisyal ng barangay upang masiguro ang kaligtasan ng QCitizens.
Para sa emergencies, tumawag sa QC Helpline 122.




