Dinala sa Angelicum Gym ng UST Angelicum College ang siyam na pamilya o 38 na indibidwal na inilikas mula sa Barangay Sto. Domingo dahil sa pagbaha sa kanilang lugar.
Kasamang inilikas ang ilan sa mga alagang hayop o fur babies ng mga residente.
Katuwang ng QCDRRMO sa isinagawang preemptive evacuation ang Department of Public Order and Safety (DPOS), Traffic and Transport Management Department (TTMD), Task Force Disiplina, Quezon City Police District (QCPD), District Action Offices, Philippine Red Cross at mga barangay.
Para sa emergency, tumawag sa QC HELPLINE 122.




