Nakahanda na ang evacuation center sa Lydia Covered Court, Barangay Sta. Monica, kung sakaling kinakailangang lumikas ng mga residente dahil sa inaasahang pagbaha dulot ng malakas na pag-ulan dala ng Habagat at bagyong #CrisingPH.
Nakaantabay na rin ang kanilang rescue teams at mga kagamitan para sa rescue operation.
Para sa anumang emergency, tumawag sa QC Helpline 122 para sa agarang aksyon.




