Higit sa 100 pamilya ang kasalukuyang namamalagi sa Bagong Silangan Evacuation Center na naapektuhan ng pananalasa ng Habagat at bagyong #CrisingPH sa Lungsod Quezon.
Tinugunan ng lokal na pamahalaan ang kanilang mga kailangan habang nasa evacuation center tulad ng pagkain, gamot, matutulugan, at ilang mga pangunahing pangangailangan.




