Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng mga kagamitan at makakain sa 280 indibidwal na kasalukuyang tumutuloy sa evacuation center ng Barangay Manresa dahil sa hagupit ng Habagat at bagyong #CrisingPH sa Quezon City.
Nakatanggap sila ng hot meals, grocery packs, sabon, sleeping mats, at kumot upang maging kumportable ang kanilang pananatili sa evacuation center.




