Nagsagawa ng clearing operation ang Parks Development and Administration Department (PDAD) sa mga debris dulot ng Habagat at bagyong #CrisingPH.
Kabilang dito ang mga naiulat na natumbang puno sa iba-ibang lugar sa lungsod. Pinutulan at binawasan naman ng mga sanga ang ilang puno para maiwasan ang sakuna kapag malakas ang hangin at ulan.
Tumawag lamang sa QC Helpline 122 para agad mai-report sa kinauukulan ang anumang insidente ng pagbagsak o pagtumba ng mga poste o puno sa inyong lugar.




