JUST IN:
#WALANGPASOK | Naglabas ang PAGASA ng Weather Bulletin ngayong 10:45AM, July 21, 2025 at nagtaas ng ORANGE Heavy Rainfall Warning sa buong Metro Manila..
Base sa DepEd Order No. 022 s. 2024 at Local Government Memorandum Circular No. 3 s. 2025, otomatikong suspendido ang klase sa Child Development Centers, Kindergarten hanggang Senior High School, at Alternative Learning System (ALS) sa mga PAMPUBLIKONG PAARALAN kapag nakataas ang Orange Heavy Rainfall Warning.
Ayon sa DepEd, kung itinaas ang warning oras na nakapagsimula na ng klase, kailangang suspindihin ang klase at trabaho sa paaralan, at pauwiin ang lahat kung ligtas itong gawin.
Subalit obligado ang mga eskwelahan na panatilihin sa campus ang mga estudyante at personnel kung delikadong bumiyahe.
ANG POST NA ITO AY GABAY LAMANG SA MGA HINDI PA NAKAKAALAM SA BAGONG ADVISORY NG PAGASA.
Ang suspensyon ng klase sa PRIVATE SCHOOLS at HIGHER EDUCATION INSTITUTIONS ay nasa pagpapasya ng pamunuan ng eskwelahan, pero para sa kaligtasan ng mga guro at estudyante, hinihikayat ang mga ito na sundin ang national o localized suspension.
Inaatasan ng DepEd ang mga eskwelahan na magpatupad ng alternative learning modes.
