Agad nagsagawa ng clean-up operation ang Department of Sanitation and Clean-up Works of Quezon City (DSQC) para linisin ang mga basura at debris sa kahabaan ng G. Araneta Avenue at Maria Clara Street, bunsod ng pagbaha dahil sa Habagat at bagyong #CrisingPH.
Patuloy ring sinusuyod ng DSQC ang iba’t ibang bahagi ng lungsod upang matiyak na ligtas, malinis, at walang naiwang basura sa mga lansangan at sidewalk.
Para sa mga concern at request sa clean-up o paghakot ng basura, maaaring makipag-ugnayan sa DSQC:
6th Floor, Building Regulatory Offices (Civic Center D) Mayaman St. Quezon City Hall Compound
Phone number: 8988-4242 loc. 8362
Email: DSQC@quezoncity.gov.ph
Facebook: https://www.facebook.com/DSQCOfficialPage
Tingnan ang link na ito: https://www.facebook.com/share/19Cr1HMDKA/?mibextid=wwXIfr




