Tuloy po ang operasyon ng Q City Bus para maghatid ng libreng sakay sa mga commuter sa Quezon City.
Magde-deploy ng karagdagang Q City Bus ang lokal na pamahalaan sa lahat ng ruta at magtatalaga rin ng traffic enforcers ang Traffic and Transport Management Department (TTMD) para maserbisyuhan at alalayan ang stranded commuters.
