Tuloy-tuloy ang libreng sakay ng QCity Bus Service ngayong araw bilang tulong sa mga commuter na na-stranded dulot ng masamang panahon.
Nagpadala rin ang lungsod ng karagdagang bus units upang masigurong ligtas at maayos na makauwi ang mga pasaherong apektado ng Habagat.




