Agad na nagpatawag ng pulong si Mayor Joy Belmonte para talakayin at bigyang aksyon ang iba-ibang solusyon sa pagbaha at wastong solid waste segregation lalo na sa flood-prone areas ng lungsod.
Pinag-usapan ang pagsasanay sa resource collectors upang mabigyan sila ng sapat na kaalaman ukol sa Proper Waste Management sa pamamagitan ng TESDA.
Kabilang sa meeting sina Richard Santuile ng Department of Sanitation and Cleanup Works QC, Atty. Dale Perral ng City Engineering, Rogelio Reyes ng Public Employment Service Office, at Alex Alberto ng Market Development and Administration Department.
Nakiisa rin sa pulong sina Andrea Villaroman ng Climate Change and Environmental Sustainability Department, at District Action Officers Ollie Belmonte, Bong Teodoro, Tommy De Castro, Zandy Zacate, at William Bawag.




