Nagsagawa ng Anti-Dangling Wires Operations sa Ascencion Avenue, Brgy. Greater Lagro, bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng Quezon City Government, sa pakikipagtulungan ng Meralco, Task Force on Anti-Dangling Wires, at Department of Engineering (QCDE).
Inalis nila ang mga nakalaylay na kable, mga patay na linya (dead wires), at mga ilegal na koneksyon sa nasabing lugar.
Layunin ng hakbang na ito na maiwasan ang mga insidente ng sunog, gawing maaliwas ang mga kalsada, at matiyak ang kaligtasan ng publiko sa araw-araw na paglalakad at paglalakbay sa mga daanan.
Magpapatuloy ang nasabing operasyon sa iba’t ibang barangay sa lungsod bilang bahagi ng mas malawak na inisyatiba para sa kaligtasan at kaayusan ng mga lansangan.




