Tuloy-tuloy na suporta para sa mga guro sa QC!
Pormal nang naipamahagi ng lokal na pamahalaan ang mga bagong laptop sa mga guro mula sa iba-ibang pampublikong paaralan sa Quezon City.
Sa tulong nito, layon ng QC Government na manatili ang dekalidad na pagtuturo at pagkatuto sa loob ng mga silid-aralan sa buong lungsod.
Mula 2020, umabot na sa 9,821 laptops ang ipinaabot ng lokal na pamahalaan sa mga public school teacher. Mayroon ding 148 laptops na ipinamahagi ang lungsod para sa child development workers.




