Panalo ang QC!
Pinarangalan ang Quezon City Civil Registry Department (CCRD) bilang 2025 Most Innovative Local Civil Registry Office (LCRO) ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Itinanghal na National Winner ang CCRD dahil sa groundbreaking initiative na Quezon City Birth Registration Online (QC BRO) sa ginanap na 4th National Convention on Civil Registration and Vital Statistics (4NCCRVS) sa Mabalacat City, Pampanga.
Tinanggap ni City Civil Registrar Mr. Salvador G. Cariño, Jr. ang parangal kasama ang iba pang kawani ng CCRD.
Ang pagkilalang ito ay patunay ng patuloy na pagsusulong at pagtataguyod ng Pamahalaang Lungsod ng mga makabagong programa para mas maging epektibo at mas mapabuti pa ang mga serbisyong naihahatid sa QCitizens.


