Nag-alay ng bulaklak ang lokal na pamahalaan, Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) at National Historical Commission of the Philippines (NHCP) bilang pag alala sa ika-81 taong anibersaryo ng pagpanaw ni Pangulong Manuel L. Quezon.
Dumalo bilang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte si Vice Mayor Gian Sotto, kasama sina Konsehal Tope Liquigan at Konsehal Dorothy A. Delarmente.
Opisyal na ring inilunsad ng KWF ang selebrasyon para sa Buwan ng Wikang Pambansa 2025 na may temang “Pagpapaunlad ng Wikang Filipino at mga Katutubong Wika: Kasaysayan sa Pagkakaisa ng Sambayanan.”
Bukod kina VM Gian, naroon din sina KWF Chairman Arthur Casanova, NHCP Historic Sites and Education Division Chief Gina C. Batuhan, KWF Commissioner Benjamin Mendillo, KWF Director General Atty. Marites A. Barrios-Taran, KWF Program at Project Director Carmelita C. Abdurahman, at apo ni Pangulong Manuel L. Quezon na si Emilio Quezon-Avenceña.
Ang espesyal na programang ito ay isinagawa bilang pag-alala kay Pang. Quezon na Ama ng Wikang Pambansa dahil sa kanyang adbokasiyang magkaroon ng isang wika at pagkakakilanlan ang bawat Pilipino.




