Naimbitahan ang Pamahalaang Lungsod ng Quezon City sa pangunguna ni City Engineer Atty. Dale Perral sa unang episode ng Usapang Bayan sa Kyusi.
Naging sentro ng talakayan ang โ๐๐ข๐ญ๐ฒ ๐ ๐ฅ๐จ๐จ๐๐ข๐ง๐ : ๐๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐๐๐๐ญ๐ฒ, ๐๐ง๐๐ซ๐๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฎ๐๐ญ๐ฎ๐ซ๐ ๐๐ฉ๐ ๐ซ๐๐๐๐ฌ.โ Layunin ng forum na ipaliwanag ang mga hakbang ng lungsod para maprotektahan ang mga QCitizen laban sa pagbaha.
Tinalakay ang Drainage Masterplan at iba – ibang flood mitigation projects ng lungsod para harapin ang epekto ng malalakas na pag-ulan at climate change. Katuwang ang DPWH, isinusulong din ang rehabilitasyon ng mga paaralan at health centers na nasira ng mga nagdaang bagyo.
Nakibahagi rin sa talakayan sina Rep. Bong Suntay ng ika-4 na Distrito ng QC, at mga kinatawan ng DPWH.
Sa tulong ng datos, teknolohiya, at kolaborasyon mula sa ibaโt ibang sektor, sama-sama nating binubuo ang mga hakbang para sa mas epektibo at maagap na flood response ng ating lungsod.




